17-anyos tepok sa bugbog at saksak ng 4 kabataan
MANILA, Philippines — Agad namatay sa insidente ang isang 17-anyos na lalaki nang ito ay pagtulungang bugbugin at saksakin ng apat na kabataang lalaki sa isang masukal na damuhan sa tabi ng kalsada ng Brgy. Lawy, Capas, Tarlac.
Sa naantalang ulat ni Capas Police Chief P/Lt Col. Alfie Salang, nangyari ang insidente, alas-7:00 ng gabi noong Biyernes sa nasabing lugar.
Nabatid na pinagtulungan ng apat na kabataan ang biktima at kasama na pinagtulungang bugbugin, pero nakatakas ang kasama ng biktima.
Kahit na nakabulagta ang biktima ay pinagsasaksak pa ito na kanyang ikinamatay.
Ang nakatakas na kasama ng biktima ang nagsumbong sa mga awtoridad na nagsagawa ng pag-aresto sa apat na suspect na ang dalawa ay 17-anyos, isang 18-anyos, at isang 14-anyos.
Ang tatlo maliban sa 14-anyos ay sinampahan na ng kasong murder.
- Latest




















