Jericho best actor, Ashtine supporting sa MMFF pero best actress sa MIFF

Nanalo sina Jericho Rosales at Ashtine Olviga bilang Best Actor at Best Actress habang ang Manila’s Finest ang itinanghal na Best Picture sa 2026 Manila International Film Festival.
Nakuha ni Jericho ang best actor award para sa kanyang pagganap sa pelikulang Quezon, habang si Ashtine ay pinuri para sa kanyang pagganap bilang Agnes Magtibay sa Manila’s Finest.
Narito ang iba pang mga nanalo:
Best Director: Carl Joseph Papa - 58th
MIFF Icon Award: Lea Salonga
Shining a Light Award: Reynafe Castillo - 58th
Shining a Light Award: Sheryl Cruz and Marcos Mamay - Kappa-Tiran
MIFF Trailblazer Awardees: Directors Januel Mercado and Joel Crawford - Forgotten Island
Lifetime Achievement Awardees: Nora Aunor, Pilita Corrales
May kanya-kanyang reaction ang fans sa mga nanalo particular na kay Ashtine dahil ang akala ng marami ay supporting lang ang kanyang role bilang kapatid ni Piolo Pascual sa pelikula.
In fact, tumanggap pa siya ng Best Supporting Actress nomination sa 51st Metro Manila Film Festival (2025) sa kanyang breakout performance in the historical crime drama pero hindi nga mahaba ang kanyang role.
- Latest

























