^

Pang Movies

Female star, mukhang tanga sa mga kasamang host

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

ISINABAK sa hosting ang isang female star kahit hindi naman ‘yun ang forte niya na napapanood regularly.

Kapansin-pansin na kapag may kasama siyang grupo ng naaatasang mag-host, saliwa madalas ang tanong niya sa guest. Kumbaga, nawawala siya sa flow ng mga tanong ‘di tulad ng kasama niya.

Halata rin na kung minsan eh wala siyang masyadong information sa tinatanong! Kaya nagugulat minsan ang tinatanong!

Pinag-workshop muna sana nang husto si female star nang sa gayon, hindi lumalabas na wala siyang alam sa subject!

Or better, prepare a set of questions na itatanong niya para hindi siya magmukhang tanga sa uri ng mga tanong niya!

Vicky, papalitan ni Papa Dudut

PAHINGA muna si Vicky Morales sa hosting niya sa GMA Public Affairs program na Wish Ko Lang tuwing Sabado.

Magkakaroon ng season break ang programa after 25 years sa TV. Aba, eh need talaga ni Vickie na magpahinga, huh!

Eh may isa pa naman siyang show an The Good News sa GTV. Tuloy pa rin naman ang show every Sunday sa GTV.

Ang mapapanood sa timeslot ng WKL ay ang Barangay Love Stories na isasalin na sa TV simula ngayong Sabado, Setyembre 12.

Ito ang radio program ni Papa Dudut sa DWLS, ang FM radio station ng GMA!

VICKY MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with