Heart, nanghingi ng tawad

MANILA, Philippines — As usual, aliw ang September 5 episode ng OG GMA game show na The People Have Spoken dahil sa inaabangang weekly unscripted comment ng host nitong si Heart Evangelista na may kinalaman sa mga surveyed questions.
In the said episode—kung saan guest celebrity contestants sina Sanya Lopez, Kakai Bautista, at mga komedyanteng sina Divine Tetay at Donita Nose—may tanong na may kinalaman sa pagiging dishonest student. Ano daw ang gagawin kung mahuli mo ang kaklase mong honor student na nagko-kodigo, sa exams. Isusumbong daw ba sa teacher o makiki-kopya ka nalang?
Pareho ang piniling sagot ng magkakamping sina Sanya at Kakai at Tetay at Donita—na isusumbong sa teacher.
Nang matanong si Heart kung siya ang nalagay sa sitwasyon, hndi niya direktang sinagot ang tanong bagkus ay agad siyang nag-sorry sa kanyang former Algebra teacher na nagngangalang Mrs. Ruiz.
Ani Heart, “I’d like to say sorry to Mrs. Ruiz, my Algebra teacher….” Inamin niyang nangopya rin siya sa exams on that particular subject dahil weakness din daw talaga niya ang Math. Hindi rin daw niya ma-gets kung paanong nagkaka-value ang x and y at lalong nalilito daw siya sa mga decimals.
“Malay ko ba sa mga x and y na yan!” natatawang say ni Heart.
May pinasalamatan sin siyang former classmate. Montenegro lang ang na-catch namin sa name na sinabi niya pero ito umano ang nagpa-kopya sa kanya noon.
Aniya pa, hindi naman daw siya perfect kaya nagawa din niya ang mga ganoong bagay na pinagdadaanan ng halos lahat ng mga estudyante globally.
Nakakatuwa lang si Heart na kaswal na naide-deliver ang self-deprecating humor. Kaya niyang gawing comedy ang mga bagay in her past without necessarily diminishing their value in her life. Kumbaga, chill lang.
- Latest


























