^

PM Sports

Asiad gold target ng Philippines beach volley teams

Russell Cadayona - Pang-masa
Asiad gold target ng Philippines beach volley teams
Sisi Rondina at Bernadeth Pons.
PNVF photo

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Alas Pilipinas beach volleyball teams na muli silang makakagawa ng kasaysayan sa pagsabak sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan ngayong buwan.

Ito ay base na rin sa respetadong ipinakita nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons at Khylem Progella at Sofiah Pagara sa 2026 AVC Beach Volleyball Continental Championship sa Shangluo, China.

“Malaki naman talaga iyong chances natin na maka-medal tayo sa beach volleyball. Ipagdasal natin na makapag-uwi kami ng medalya sa Asian Games,” ani Alas Pilipinas beach volleyball team manager Cherry Rose Rivera-Macatangay.

Nalaglag ang tambalang ‘SiPons’ sa Round of 16 ng AVC continental tournament, habang kinapos sina Progella at Pagara sa quarterfinals.

Ang torneo ang nagsilbing Olympic qualifying kung saan ang mananalo sa men’s at women’s division ang lalaro sa 2028 Olympic Games sa Los Angeles, USA.

Inangkin nina Rondina at Pons kasama sina Dij Rodriguez at Sunny Villapando ang makasaysayang gold medal sa nakaraang 33rd SEA Games sa Thailand noong Disyembre.

Naniniwala si Rivera-Macatangay na muli itong magagawa ng tambalan nina Rondina at Pons at dalawahan nina Progella at Pagara sa Aichi-Nagoya Asiad.

“Hopefully, claim natin iyan. Kaya nila iyan, kaya nila iyan,” sabi ng dating miyembro ng national indoor volleyball team na nanalo ng silver at bronze medals sa 1995 at 2005 SEA Games, ayon sa pagkakasunod.

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with