Jovic babawian ni Eala sa US Open

MANILA, Philippines — Ilalabas na ni Alex Eala ang lahat ng alas nito upang pigilan si Iva Jovic ng Amerika sa kanilang pagtutuos sa third round ng US Open ngayong araw sa Arthur Ashe Stadium sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing Meadows, New York.
Magpapang-abot sina Eala at Jovic sa alas-7 ng gabi (alas-7 ng umaga sa Maynila) kung saan nakataya ang tiket sa fourth round.
Wala munang kai-kaibigan para kina Eala at Jovic na parehong naghahangad na makausad sa naturang Grand Slam event.
Alam ni Eala na hindi magiging madali ang lahat lalo pa’t kabisado nito ang laro ni Jovic.
“She’s an amazing player, young, very talented, and very intelligent. Of course, she’s a higher-ranked player and very accomplished, and I encountered my fair share of challenges against her this year, but yeah, it’s not under my control who I will play,” ani Eala.
Hawak ni Jovic ang 2-0 head-to-head advantage laban kay Eala.
Nanalo si Jovic kay Eala sa first round ng French Open, 6-4, 6-2, sa Paris at sa Round of 16 ng 2026 Queen’s Club Championship sa London, 6-2, 6-2.
“I’m super excited. The atmosphere is gonna be amazing. She’s been playing some great tennis. It’s nice to be playing each other in the third round, deeper into the slam. Hopefully we can all keep going on runs like this,” dagdag ni Eala.
Umaasa si Eala na madadala nito ang magandang momento mula sa kanyang dalawang sunod na panalo.
Sa kanyang huling laro, pinataob ni Eala si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine sa bendisyon ng 6-1, 6-4 demolisyon para maisaayos ang pakikipagtuos kay Jovic.
Sa kabilang banda, nanaig naman si Jovic kay Francesca Jones ng Great Britain sa kanilang 2NDround match, 6-4, 6-4.
- Latest





















