^

PM Sports

Gilas iiwas madalawahan ng SoKor

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magandang bawi ang tangka ng Gilas Pilipinas ngayon kontra sa South Korea sa pagpapatuloy ng 2026 Hana Bank Invitational sa Suwon KT Sonicboom Arena.

Magpapangbuno uli ang 2 magkaribal sa ala-1 ng hapon tampok ang asam na higanti ng Gilas matapos ang maalat na 81-55 kabiguan sa una nilang paghaharap.

Ito ang unang official game ng bagong-bihis na Nationals na kabubuo pa lamang ni head coach Tim Cone para sa mis­yong madepensahan ang korona sa paparating na 2026 Achi-Nagoya Asian Games sa Japan.

Hiwalay na koponan ito sa FIBA team na matagal nang magkakasama at winalis ang Window 4 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers kontra sa Jordan, 82-81, at Iran, 68-56, noong nakaraang linggo.

Tanging sina RJ Abarrientos ng Ginebra, Justine Baltazar at Justin Arana ng Converge lang ang bahagi ng FIBA team na kasali rin sa Asian Games team dahil sa kawalan ng break ng Japan B. League at Korean Basketball League para sa non-FIBA tournaments na nagbawal sa Pinoy imports na makapaglaro sa Gilas.

At bagama’t tinalo ng Asian Games team ang FIBA team sa isa sa kanilang scrimmage, lumabas ang kawalan ng karanasan ng koponan nang maiwan agad kontra sa South Korea sa 33-45 sa halftime tungo sa 26-puntos na kabiguan.

Sina Baltazar at Adrian Nocum ng Rain or Shine lang na may 15 at 10 puntos ang nakapagpasiklab para sa Nationals kontra sa South Korea na parehong koponan ang ipinarada mula sa Window 4 ng World Cup Qualifiers tampok ang 85-72 panalo kontra sa Saudi Arabia sa Suwon din. 

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with