^

Pang Movies

Lotlot, pinapasa-diyos na lang si Ian

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lotlot, pinapasa-diyos na lang si Ian
Lotlot de Leon at Ian de Leon

“In God’s time.” Ito ang sinabi ni Lotlot de Leon tungkol sa pagkakaayos nila ng kapatid na si Ian de Leon.

Sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan ay napag-usapan ang naging kontrobersyal na problema ng mana sa kanilang magkakapatid, sinabi ng aktres na hinahayaan na lang daw niya si Lord sa bagay na ito.

“Pinapasa-Diyos ko na lang po, Tito Boy, I mean in God’s time. I-surrender na lang. I don’t want to... ayokong pangunahan ang Panginoon.

“Basta ako, I’m focusing on my own life, sa mga anak ko, sa asawa ko, sa trabaho ko. Sa mga kapatid ko naman, ‘pag kailangan nila ako, nandiyan lang din ako,” aniya.

Inamin din ni Balot na hindi pa sila nagkakausap ni Ian pero hangad naman daw niya na magtagumpay ang mga plano nito.

“Hindi pa kami nagkakausap eh. But you know, whatever his plans are, I wish him well. I wish him well, I wish him to succeed, I wish him all the best.

“Basta ako, as I said, I’m focusing on myself, Tito Boy, sa mga anak ko, sa trabaho ko, and kung kailangan ako ng mga kapatid ko I will always be here,” pahayag ni Balot.

Samantala, natanong din ang aktres kung boto ba siya kay Jericho Rosales para sa anak niyang si Janine Gutierrez at mabilis niyang sagot, “I love him! Yes, very much!”

Papuri pa ni Balot kay Echo, “he’s such a wonderful man. Ah, napakabait na tao.”

Handa naman daw siya kung sakaling isang araw ay sabihin ng dalawa na magpapakasal na sila.

“Handa na ko do’n, matagal na,” sey ni Balot sabay-tawa.

Dagdag pa ng aktres, “whatever decisions they make nga, ‘yang mga anak ako, I respect and I said, I trust my children to make the best decisions for themselves.”

LOTLOT DE LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with