^

Metro

Dumila sa hotdog sa convenience store, idedemanda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Pambababoy sa pagkain ginawang content

MANILA, Philippines — Nagbabala ang kumpanya ng kilalang chain ng convenience store na maghahain sila ng legal na aksyon sa ginawang pambababoy sa kanilang tindang pagkain para gawing content, na maglalagay sa panganib sa kalusugan ng customer, at kanilang staff.

Isa sa footage na viral ngayon ang isang babaeng tila sadyang kinukunan ng video habang hawak ang isang tinapay na may hotdog, dinilaan, at ibinalik sa food display matapos kamayin lang ang hotdog at kumuha muli gamit ang kamay.

May iba pang video footages naman na nag-viral din umano, kung saan makikita ang isang babae na kumuha ng donut at kinagatan, bago isinoli at kinamay o hindi gumamit ng tong.

May isa pang video viral din na isang lalaking may mahabang buhok, na pinaghahawakan ng kamay niya ang hilera ng siopao habang nakangiti.

Ang mga video ay kuha sa 7-Eleven convenience store, na hindi pa tinukoy kung kailan at saang branches nangyari.

Sa pahayag ng 7-Eleven Philippines, “Food safety and sanitation are our highest priorities” kaya isusulong nila ang pagsasampa ng kaso sa ginawang pambababoy.

“Any food or drink that is improperly handled will be disposed of immediately. Intentional tampering is a direct violation of public health, and we will pursue full legal action against anyone putting our community or staff at risk,” ayon pa sa pahayag ng kumpanya na naka-post sa social media.

Hinimok din nila ang publiko na tulungan silang mapanatiling malinis, ligtas, at secure sa bawat komunidad. I-report ang anumang kahina-hinalang kilos sa kanilang staff.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with