^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Walang pondo para sa busway at fuel subsidies

Pilipino Star Ngayon

MALAKI ang planong budget ng gobyerno sa rail transport sa 2027. Sa panukalang budget, P197.3 bilyon ang inilaan para sa mga railway project na mahigit triple sa pondo nga­yong 2026.

Pinakamalaking bahagi ng pondo ang mapu­punta sa North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway.

Magandang investment ito. Matagal nang kailangan ng bansa ng mas mabilis, maaasahan at malawak na train system. Ito ang solusyon sa problema sa mass transportation.

Pero habang hinihintay matapos ang mga bagong tren, paano ang mga commuter na ka­ilangang bumiyahe ngayon?

Sa panukalang 2027 National Expenditure Prog­ram, walang nakalaang pondo para sa EDSA Busway. Wala ring allocation para sa ser­vice contracting at fuel subsidies, habang ma­rami pang transport projects ang hindi naka­sama sa budget.

Hindi maliit ang papel ng Busway. Tinata­yang 60 milyong commuters ang nakinabang dito noong 2024 at 2025.

Araw-araw, nagsisilbi itong mas mabilis at ma­aasahang paraan upang makapasok sa tra­baho, paaralan. Kapag nagkaaberya ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), ang mga bus ang sumasalo sa mga nagmamada­ling commuters.

May paliwanag naman ang gobyerno. Ayon sa Department of Transportation, limitado ang fiscal space kaya may mga programang hindi nabigyan ng pondo.

Mahalaga ang subway at bagong railway.

Kapag natapos, makatutulong ang mga ito sa pagbawas ng biyahe at lalung-lalo na sa ma­tinding trapiko lalo sa Metro Manila. Sa pag-aaral bilyong piso ang nasasayang dahil sa ma­tinding trapik. Sa EDSA, ilang oras ang binu­buno ng commuters para makarating sa kanilang trabaho o eskuwela.

Pero habang ginagawa ang mga ito, kaila­ngan pa ring sumakay ng milyun-milyong Pili­pino sa bus, jeep at kasalukuyang mga tren.

Ayon sa Move as One Coalition, 94 porsi­yento ng mga Pilipino ang walang sariling kotse. Kaya ang maayos na public transportation ay hindi luho. Pang-araw-araw itong panganga­ilangan nang nakararami.

Hindi pa naman final ang 2027 budget. Ma­aari pang magbalik o magdagdag ng pondo ang Kongreso.

Kaya dapat nitong tiyaking may sapat na budget hindi lamang para sa mga proyektong mapapakinabangan sa mga susunod na taon, kundi pati sa mga serbisyong sinasakyan na ngayon. Hindi sana ito mawala sa paningin, pag-aanalisa at matalinong pagsusuri.

BUDGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with