^

Police Metro

Ex-DPWH Sec. Bonoan, laya na sa PNP

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pang-masa
Ex-DPWH Sec. Bonoan, laya na sa PNP
Former Public Works and Highways secretary Manuel Bonoan attends the Senate Blue Ribbon Committee hearing on the flood control controversy on Monday, January 19, 2026.
Senate PRIB / Released

MANILA, Philippines — Pinalaya na ng Phili­ppine National Police (PNP) sa kanilang kustodiya si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bo­noan ­nitong Biyernes, Setyembre 4, matapos beripikahin ng mga otoridad ang release order ng Sandiganbayan.

Sa ulat, bandang alas-10:35 ng umaga nang palayain si Bonoan matapos tiyakin ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) na wala siyang iba pang pending warrant o non-bailable case na hahadlang sa kanyang paglaya.

Nauna nang iniutos ng Sandiganbayan Fifth Division ang pagpapalaya kay Bonoan matapos siyang alisin bilang akusado sa plunder at graft cases na kinakaharap niya kasama sina Sen. Jose “Jinggoy” Estrada at tatlong dating DPWH district engineers kaugnay ng umano’y P573-milyong kickbacks sa flood control projects.

Bago siya tuluyang makalaya, nagsagawa ang CIDG ng verification sa iba pang dibisyon ng Sandiganbayan alinsunod sa kondisyon ng release order na maaari lamang siyang manatili sa kustodiya kung may iba pang legal na dahilan.

Sumailalim din si ­Bonoan sa medical assessment ng PNP Health Service bago siya ipinagkatiwala sa kanyang pamilya.

Nananatili naman siyang respondent sa hiwalay na graft case sa Sandiganbayan Second Division. Gayunman, nakapagpiyansa na siya ng P90,000 para sa naturang kaso.

Inalis si Bonoan bilang co-accused sa mga kaso sa Fifth Division matapos hilingin ng prosekusyon na gawin siyang government witness sa mga kasong may kaugnayan sa flood control controversy.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with