5 pagawaan ng pekeng plaka sinalakay: 6 arestado
MANILA, Philippines — Anim katao ang naaresto at 64 pekeng plaka ang nasamsam sa isinagawang pagsalakay sa limang establisimyento sa Quezon Boulevard, Davao City nitong Huwebes.
Ang limang natukoy na establisimiyento na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na paggawa ng mga pekeng plaka ng sasakyan ay ang Pogz Art and Sign, Eschat Art and Sign Tailoring, Sticker Art and Sign, WMT Printing Services, at Magnorms Advertising Services.
Bukod sa 64 pekeng plaka, nakumpiska rin ang mga computer at machine tools, at iba pang kagamitang ginagamit sa paggawa ng mga pekeng plaka, kabilang ang hammer, cutter, steel plate, sticker cutter, plain sheet, at improved flat screw na ginagamit sa paghulma.
Nasa custody na ng Davao City Police Station ang naarestong mga suspek para sa pagsasampa ng kaso.
Muling pinaalalahanan ng ahensiya ang mga motorista na huwag bumili o gumamit ng mga pekeng plaka, kabilang ang mga ginagaya ang opisyal na plaka ng ahensiya para hindi maparusahan ng batas.
- Latest















