Alden, bumilib sa ginawa ni Barbie

“She never fails us to make us see a different side of her in every project that she does,” say ni Alden Richards pagkatapos niyang panoorin ang wild side si Barbie Forteza sa romantic comedy movie na Saving Cherry mula sa Regal Entertainment na kasalukuyang napapanood sa mga sinehan.
Kabilang nga ang Asia’s Multimedia Star sa mga celebrity na dumalo sa star-studded red carpet premiere ng movie na ginanap sa Gateway Cineplex nitong Martes ng gabi.
Nerve-wracking din aniya ang panonood ng obrang ito ni Direk Ivan Andrew Payawal.
Dumalo rin sa nasabing carpet premiere ang mga magulang ni Barbie, GMA execs na sina Annette Gozon-Valdes at Tracy Garcia, Star Magic head Direk Lauren Dyogi, Bianca Umali, Matt Lozano, Darren Espanto, Alexa Ilacad, Kim Molina, Film Development Council of the Philippines Chief Joey Reyes, atbp.
Aminado ang actor na kabilang si Barbie sa mga hinahangaan niyang aktres.
Kung sabagay, iba at bagong acting range ang ipinakita ni Barbie sa Saving Cherry.
Itinodo niya kumbaga ang kanyang ginampanang role na nag-e-emote sa kanyang pagiging “virgin” matapos ikasal dahil sa rami ng emosyong pinakawalan niya: kalmado, galit, sarkastiko, malungkot, etc.
“There are certain scenes na pwede mo siyang i-take nang linear, when it comes to the acting, how the lines would go, binigyan niya ako ng fluctuation, eh. So, wala talaga akong masabi kay Barbie,” pahayag ni Alden.
“Sabi ko kanina talaga, binibigyan ako ng range ng babaeng ‘to, o. I mean from different scenes. I mean masipag, nagtatrabaho. I think that’s what the new generation of actors na emerging need to know,” dagdag pa ng actor na tungkol sa pelikulang mapangahas pero may puso at makatotohanang mensahe para sa mga manonood ng pelikula.
“Fame is fleeting. Ang kasikatan, lumilipas. Pero ang galing at ang pagkakaroon ng mabuting puso sa industriya, hindi mo matatanggal ‘yon because people will always remember how you made them feel. Parang ‘yun ‘yung kailangan tandaan ng mga makakasama natin dito sa industry,” pahayag pa ng actor sa napanood na eksena na ginawa ni Barbie na kinabiliban niya rin talaga.
Sa totoo lang, todo rin ang pasasalamat ni Barbie sa pelikula na nung mabasa raw niya ang script ay kaagad siyang pumayag na gawin ‘yun kahit na nga ibang-iba ang kuwento nito tungkol sa marriage, cheating, friendship, loyalty, at iba pa.
Literal kasing nakakaloka ang mapapanood na Barbie sa pelikula na isang babaeng bagong kasal na takam na takam makatikim ng ‘luto ng langit’ (ang luma ng term). Hahaha.
Isang babae siyang niloko ng asawang bagong kasal. Kaya naman talagang hagalpakan ang mga nanonood.
“Guys, I feel sooo attacked! Charot. Hahahaha!
“First time ko lang napanood ang pelikula. So, I guess lahat kayo ay nakikinig lahat, when I say na this is the most freeing film I’ve ever done.
“Ito ang pinaka-nakapagpalaya sa akin, na tipo ng proyekto. Buong pasasalamat ko sa Regal Entertainment, of course sa director ko si Direk Ivan (Andrew Payawal).
“At siyempre, sa lahat ng mga aktor na kasama ko sa pelikula. Maraming salamat for coming on board, and for joining in this wild ride!” pahayag pa ni Barbie pagkatapos ng red carpet premiere.
At in all fairness, mahuhusay at bagay na bagay sa kanilang mga role ang gumanap niyang mga kaibigan na sina Mikee Quintos – bilang isang babae na may asawa at anak na, pero niloko pa rin ng kanyang mister.
AC Bonifacio – maka-Diyos, pero nasasadlak sa mga iskandalo dahil na rin sa mga kasamahan. Ganundin si Mika Salamanca na effective bilang babaeng pokpok.
Kabilang din si Sassa Gurl na ang benta ng mga hirit sa eksena.
Pero siyempre may ilang hindi natuwa pero mas marami ang naaliw sa modern approach sa kuwento ng mag-asawang nagtiwala pero naloko.
Ang pelikula ay Rated R-13 ng Movie and Television Review and Classification Board.
- Latest

























