^

Probinsiya

Pagbaha sa Benguet nakaamba sa baradong Agno River

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BOKOD, Benguet, Philippines — Nanganganib sa pagbaha ang mga residente ng Barangay Ambuklao, bayan ng Bokod sa ­Be­nguet dahil sa makapal na banlik, graba, at sediment na naipon sa Upper Agno River sa loob ng ilang dekada, dahilan para humingi ang barangay ng agarang tulong sa pambansang pamahalaan.

Ayon kay Punong Barangay Reynaldo B. Tello, lumiit ang daluyan ng ilog at nabawasan ang kakayahan nitong maglaman ng rumaragasang tubig dahil sa patuloy na pagtaas ng riverbed, na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga kabahayan kapag malakas ang ulan o may bagyo.

Sa mga liham na ipinadala nina Tello kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Department of Public Works and Highways Sec. Vince Dizon, sinabi nitong malapit na rin sa itinakdang elevation ang mga kasalukuyang flood-control structure sa kanilang lugar. Aniya, kapag umapaw ang ilog, maaaring maapektuhan ang mga bahay, bukirin, kalsada, pampublikong pasilidad, at mga kritikal na imprastraktura ng kuryente, ani Tello.

Dahil dito, hinimok ni Tello ang pambansang pamahalaan na agad kumilos bago dumating ang panibagong matin­ding pagbaha, kabilang ang agarang pagsusuri sa ilog, dredging, at desilting, pagpapatibay ng flood-control structures at pagbuo ng pangmatagalang plano sa pamamahala ng ilog. Hiniling din niya ang maaasahang suplay ng kuryente para sa Bokod, dahil aniya, ang mga komunidad na nagho-host ng mga reservoir na tumutulong sa pagpapagana ng Luzon grid ay dapat ding makinabang sa tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente.

AGNO RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with