Pia, dedma sa Rebelasyon ng Ex na doc

Parang wala nang impact ang pagsasalita ng Amerikanong doktor na si Mikhail “Doc Mike” Varshavski tungkol sa ‘short time’ pakikipag-date niya kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Si Varshavski ay dating pinangalanan ng People magazine bilang “Sexiest Doctor Alive,” ay nakausap ng Filipino-Canadian nurse at nangungunang content creator na si John dela Cruz, na mas kilala bilang Nurse John, para sa kanyang YouTube channel nang lumabas ang nasabing nakaraan nila ni Pia habang pinag-uusapan nila ang usual Pinoy culture ng pagbibigay ng support sa mga kababayan na sumikat sa ibang bansa, pati na rin ang pressure na kakabit nito kasabay ng marami ring hatred.
Ayon pa sa nasabing doctor, nakakatuwa raw na hindi tulad ibang kultura, pwedeng may inggit daw kapag may nagtagumpay, pero kasabay na rin nito ang sabi niya ay hatred nga.
May asawa na si Pia ngayon na isang influencer din. Speaking of Pia, parang nanahimik na ito at wala na ring mga ganap sa mga fashion event.
Nang mag-lay low si Heart Evangelista ay parang nag-chill din siya.
Alam na dat.
- Latest





















