Ipapadala sa Oscars ng bansa, may announcement sa opening ng Industry Month!

Habang binabalikan ang ‘gilded past as we look forward to a bright future,’ ipinagdiriwang ng Philippine Film Industry Month (PFIM) 2026 na may temang Pelikula: Ginintuang Ikalawa ang ika-50 anibersaryo ng Second Golden Age of Philippine Cinema, habang nagsusumikap ang industriya tungo sa susunod na yugto nito.
At ngayong buwan ng September, itatampok ang mga digitally-restored classic films tulad ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974) at Sister Stella L (1984), bukod sa iba pa; ang Sine Kabataan at PFIM Short Film Festivals; at ang closing ceremony na magbibigay-pugay sa mga hali-gi ng industriya at sa Quezon City, na bagong hirang bilang UNESCO Creative City of Film.
Binabalikan ng Second Golden Age of Philippine Cinema ang mga higante sa industriya—sina Ishmael Bernal, Lino Brocka, Mario O’Hara, Lupita Aquino-Kashiwahara, Mike De Leon, Eddie Romero at ang kanilang mga kasabayan mula kalagitnaan ng dekada ‘70 hanggang huling bahagi ng dekada ‘80—na humubog sa modern Pinoy film na kilala natin ngayon.
Official na mag-uumpisa ang Philippine Film Industry Month sa pamamagitan ng pagpapalabas ng 4K digitally-restored na bersyon ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974)—na idinirek ng National Artist na si Lino Brocka—sa Sept. 4, 2026 sa Red Carpet Cinema, Shangri-La Plaza. Sa seremonyang ito iaanunsyo rin ang opisyal na lahok ng bansa para sa ika-99 Academy Awards o Oscars, sa pamamagitan ng Film Academy of the Philippines (FAP).
At alinsunod sa tema ng taong ito ng PFIM, namili rin ang FDCP ng classic films na kinatawan ng second golden age na ipapalabas sa aming FDCP Cinematheque Centers sa buong bansa:
Itim (1976), sa direksyon ni Mike De Leon
Insiang (1976), sa direksyon ni Lino Brocka
Tatlong Taong Walang Diyos (1976), directed by Mario O’Hara
Minsa’y Isang Gamu-Gamo (1976), directed by Lupita Aquino-Kashiwahara
Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon? (1976), sa direksyon ni Eddie Romero
Nunal sa Tubig (1976), directed by Ishmael Bernal
Nagbukas na rin pala ang FDCP Cinematheque Centre sa Intramuros kung saan ipinapalabas dito ang ilang local at foreign films, pinag-darausan ng mga symposium na nagbibigay ng mga malalim ng meaning sa sa pagmamahal sa pelikula, at paglikha ng mga pagkakataon para sa industriya.
Magkakaroon sila ng Reel to Real: Pelikula at Panayam, na magtatampok sa Jaguar (1979), sa direksyon ng Pambansang Alagad ng Sining na si Lino Brocka sa Setyembre 9, 2026.
Anyway, bahagi rin ng PFIM ang Collaboration to bring the Cinema to you, kung san magpapalabas sila katuwang Intramuros Administration of Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon? (1976), directed by National Artist Eddie Romero at the Teatro, Fort Santiago on Sept. 11, 2026.
“Developing Cinematic Voices” – ngayong taon, ipinapakilala nila ang isang bagong karagdagan sa mga film festival: ang PFIM Short Film Competition).
A Look Back, A Look Forward kung saan magtatapos ang PFIM 2026 sa isang pagdiriwang bilang pagkilala sa mga alamat ng nakaraan, mga kasalukuyang kampeon, at sa lahat ng nagpapatuloy sa pagsulong ng industriya.
Itatampok din sa programa ang taunang Parangal, na kumikilala sa habambuhay na pamana at taunang tagumpay sa pelikulang Pilipino:
Lifetime Achievement Award Manunuri ng Pelikulang Pilipino
Vic Del Rosario, Hilda Koronel, Tito Genova Valiente
Annual Achievement Award
Ryan Machado, Jorrybell Agoto, Ruby Ruiz
The women of Enjoy Your Stay (2025)
Mercedes Cabral, Anna Luna, Irma Adlawan, Donna Cariaga, Madeleine Nicolas and Hasmine Killip
Bibigyang-pugay din sa seremonya ang mga pagsisikap ng Quezon City Screen Commission bilang pagdiriwang sa bagong katayuan ng Quezon City bilang isang UNESCO Creative City of Film. Ihahayag din natin ang mga finalist ng programang *Isapelikula*—isang *film in-cubator* at *match funding program* kung saan ang mga napiling proyekto ay maaaring makatanggap ng *production grant* na aabot sa P1,000,000.
Ang *Closing Ceremony* ng PFIM, hosted by Michael Sager at Aya Fernandez, ay magtatampok din ng mga special number mula kina Sam Mangubat, Esang, AC Bonifacio, Kai Montinola and Jarren Garcia.
Magtatapos ang celebration Philippine Film Industry Month sa Sept. 30, 2026, sa Seda Vertis North, Quezon City.
- Latest





















