^

Probinsiya

Tarlac isinailalim na sa state of calamity

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tarlac isinailalim na sa state of calamity
Photos show the Ninoy Aquino Bridge in Tarlac which remains restricted to motorists on August 31, 2026.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Tarlac sanhi ng matinding pinsalang tinamo kabilang ang pagkasira ng kanilang dalawang pangunahong tulay, sanhi ng malalakas na pag-ulan na dulot ng southwest monsoon rain o habagat.

Sa pahayag ni Tarlac Governor Christian Yap ang deklarasyon ay inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan sa ilalom ng Resolution No. 416-2016 matapos naman ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (PDRRMC).

Kabilang sa napinsala sa lalawigan ay ang Aquino Bridge at Bridge sa Tarlac City. Marami ring bayan sa lalawigan ang apektado ng ma­tinding pagbaha kung saan walang madaanan patungo sa ibang bayan sa pagkaputol ng dalawang tulay.

Ang Agana Bridge ay nag-uugnay sa mga bayan ng Sta Ignacia, Mayantoc, Camiling, San Clemente at San Jose.

Nag-deploy na ng mga kagamitan para gumawa ng pansalamantalang tulay na madaraanan para sa mga apektadong residente sa lugar.

CALAMITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with