^

Probinsiya

Jenny Barzaga wagi sa special election sa Cavite

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

DASMARIÑAS CITY , Philippines — Landslide ang pagka­panalo ni Dasmarinas City Mayor Jenny Barzaga sa pagka-kongresista ng ikaapat na distrito ng Cavite sa isinagawang special Election kapalit ng napatalsik sa Kamara de Representantes na anak nitong si dating Rep. Francisco “Kiko” Barzaga. 
Pormal nang naiproklama kahapon si Dasmariñas City Mayor Jennifer “Jenny” Barzaga bilang bagong kinatawan ng ika-apat na Distrito ng Cavite.
Nakakuha si Barzaga ng 201,893 boto, na nagbigay sa kanya ng panalo sa espesyal na halalan at tuluyang nagluklok sa kanya bilang bagong kinatawan ng distrito sa House of Representatives, habang tinambakan nito ang mga katunggali na sina Rex Mangubat na nakakuha ng 30,373 votes 0 11.76% na una ng nag-post sa Social Media na maayos na tinanggap ang pagkatalo at binati pa nito si Barzaga, Jess Frani na nakakuha ng 24,350 votes o 9.42%, Marvin Dupal- Ag na nakakuha lamang ng 1,184 na boto o 0.46% at si Leysander Ordenes na nakakuha lamang ng 563 boto o 0.21%.

Ang anak naman ni Jenny na si Dasmariñas City Vice Mayor Third Barzaga ang awtomatikong uupo bilang bagong alkalde ng lungsod.

BARZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with