3-anyos lalaki, pinatay sa saksak ng tatay
MANILA, Philippines — Walang awang sinaksak sa dibdib ang isang 3-anyos ng batang lalaki na kanyang sariling tatay naganap nitong Biyernes sa Brgy. Lacong, Tagudin, Ilocos Sur.
Sa ulat ng Ilocos Sur Provincial Police Office (PPO) nangyari ang insidente sa tahanan ng pamilya sa nasabing lugar.
Sa salaysay ng lola ng bata sa pulisya, ala-1:00 ng madaling araw noong Biyernes ay narinig nito na pinagagalitan ng kaniyang ama ang apo na umiiyak.
Gayunman, dakong alas-11:00 ng umaga ay nagduda ang lola matapos na mapansin na hindi lumalabas ng kuwarto ang apo.
Nang buksan ang pinto ng kuwarto ay nakita ng matanda na nababalutan ng kumot ang bata at ng alisin niya ito para gisingin ay laking gulat niya ng makitang duguan ang dibdib nito.
Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima pero idineklara na itong dead-on-arrival sanhi ng malalalim na saksak na tinamo sa katawan.
Tumakas naman ang suspect at isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen at ano ang nagtulak sa ama para kitilin ang buhay ng sarili nitong anak.
- Latest




















