^

PSN Palaro

Boomers ‘di maawat sa WC Asian Qualifiers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Boomers ‘di maawat sa WC Asian Qualifiers
Ang twohanded dunk ni Luca Yates ng New Zealand laban sa Syria sa second round ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Russell Palma

MANILA, Philippines —  Dumiretso ang Australia sa pang-walong sunod na panalo matapos itumba ang Jordan, 126-93, sa second round ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers Window 4 kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bumira si Anthony Dell’Orso ng 19 points para sa balanseng opensa ng mga Boomers na ipinoste ang imakuladang 8-0 record at dominahin ang Group E.

Bagsak ang mga Jordanians sa ikalawang dikit na kabiguan, kasama ang 81-82 overtime loss sa Gilas Pilipinas noong Biyernes, para sa 5-3 marka.

Sinimulan ng Australia ang laro sa 12-0 patungo sa 63-41 halftime lead na kanilang pinalobo sa third quarter, 91-64, para alisan ng pag-asang makalapit ang Jordan sa fourth period.

Lumakas ang tsansa ng mga Boomers, nagmula sa 123-64 demolisyon sa mga Syrians, na makakuha ng tiket para sa 2027 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 27 hanggang Setyembre 12 sa Qatar.

Ang top three teams sa bawat grupo at ang best fourth-placed team ang papasok sa 2027 FIBA World Cup.

Sa unang laro, inilampaso ng New Zealand ang Syria, 126-74, para sa 6-2 kartada ng Tall Blacks tampok ang 22 points ni Corey Webster.

Nahulog ang mga S­yrians sa 2-6 rekord.

Nauna nang umeskapo ang New Zealand sa Iran via overtime, 93-91.

Kasalukuyan pang nagl­alaban ang Gilas Pilipinas (3-4) at Iran (5-2) kagabi habang isinusulat ito kung saan target ng tropa ni coach Tim Cone na masundan ang 82-81 overtime win sa Jordan (5-2) noong Biyernes.

AUSTRALIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with