^

Probinsiya

Special election sa Cavite tapos na kahit binaha

Cristina Go-Timbang, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagama’t sumabay sa masamang lagay ng panahon dulot ng habagat, natapos na rin ang special election para sa pagka-kongresista sa Dasmariñas City, Cavite kahapon.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), upang maabot ang inaasahang bilang ng turnout, pinalawig din ang oras ng pagboto nitong Sabado sa ginanap na special elections para ika-4 na Legislative District ng Cavite.

Nagpasya ang Comelec En Banc, sa nagkaisang boto, na palawigin ng hanggang alas-5:00 ng hapon ang halalan sa Dasmariñas, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Nagpatuloy pa ang malakas na ulan at naapektuhan ang mga botante kaya itinuloy ang extension sa oras na una nang binanggit ni Garcia na maaari naman upang umabot ng hanggang 50% ang voter turnout para sa pagpuno sa nabakanteng puwesto ni dating Representative Francisco Barzaga.

Ayon sa Comelec, nasa 447,387 registered voters ang 4th Legislative District ng Cavite.

Umaasa ang Comelec na maipoproklama kaagad ngayong Linggo ng madaling araw ang mananalong kandidato.“Hopefully, bago mag alas-singko ng madaling araw bukas, maproklama natin ang winning candidate,” ani Garcia nitong Sabado.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with