^

PSN Showbiz

Katrina Paula, mas naging wais sa datung!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Katrina Paula, mas naging wais sa datung!
Katrina Paula

Ang dating sexy actress of the ‘90s-turned successful businesswoman na si Katrina Paula has been a single mother matapos sumakabilang-buhay ang kanyang Filipino-Chinese businessman husband kung kanino siya may tatlong anak.

Habang ang kanyang ikaapat at bunsong anak ay sa isang controversial figure, ang namayapa nang si Raymond Dominguez na na-involve sa isang criminal underworld activity.

Napakaraming trials ang pinagdaanan ni Katrina na lalo lamang nagpatibay sa kanyang pagkatao.

Maaalalang, she was still young nang maging GRO siya sa isang club. Nasubukan din niyang maging isang entertainer sa Japan kung saan siya nakapag-ipon at nakapagpatayo ng bahay, nakabili ng sasakyan at iba pang mga kailangan ng kanyang pamilya.

Kumayod nang husto si Katrina para sa kanyang mga anak. Ang kanyang panganay na si Nicole ay isa nang commercial pilot habang nasa media naman ang kanyang pangalawang anak na si Athena na may asawa na. Parehong namang nag-aaral pa ang dalawa niyang boys na ang mas matanda ay isang varsity player sa kanilang school.

Dahil sa pagsisikap ng sexy actress ay nakapagpatayo siya ng isang five-storey building in Quezon City at iba pang investments and most recently ay nakipag-partner siya sa pagtatayo ng isang aesthetic clinic na meron nang apat na branches.

Ang maganda kay Katrina ay naging matulungin ito sa kapwa niya sexy actresses na walang-wala ngayon.

Ang kaibahan lamang marahil ni Katrina sa iba niyang mga kapanabayan ay natuto siyang pahalagahan ang perang kanyang kinita nung bata-bata pa siya at natuto rin siyang mag-invest sa negosyo.

Dolly Parton, maraming naiwang ‘anak’

Napakaraming pagpupugay ang dumagsa sa pagyao ng tinaguriang Queen of Country Music, na si Dolly Parton na sumakabilang-buhay nung nakaraang Aug. 25, 2026 sa edad na 80 nang dahil sa sakit na cancer na kamakailan lang din na-detect.

Kasama sa nagbigay-pugay sa yumaong si Dolly ang ilan sa mga naging pangulo ng Amerika na sina Joe Biden, Barack Obama, George W. Bush, Bill Clinton at iba pang prominent political figures.

Hindi man nabiyaaan ng anak si Dolly at ang kanyang mister na si Carl Thomas Dean na sumakabilang-buhay nung March 3, 2025, para na rin siyang nagkaroon ng maraming anak dahil sa mga batang natulungan laluna ‘yung mga mga may sakit na cancer.

“Dolly Parton’s extraordinary life is forever woven into the fabric of our state,” pahayag ng Tennessee Governor na si Gov. Bill Lee.

 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with