Dingdong, pinarangalan ng gold sa ContentAsia Awards 2026

Muli na namang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas ang GMA Public Affairs matapos makatanggap ng mga pangunahing parangal ang dalawa nitong kinikilalang programa sa 2026 ContentAsia Awards. Nagwagi ng Gold award ang Broken Roads, Broken Promises, habang Bronze award naman ang nakuha ng Corruption Series: A Kapuso Mo, Jessica Soho Special Report.
Nagkamit ng Gold ang espesyal na dokumentaryo na Broken Roads, Broken Promises, na pinangunahan ng multi-awarded actor na si Dingdong Dantes, sa kategoryang Best Factual Entertainment Programme Made in Asia for a Single Asia Market.
Samantala, nagkamit naman ng Bronze award ang Corruption Series: A Kapuso Mo, Jessica Soho Special Report sa kategoryang Best Current Affairs Programme Made in Asia for a Single Market in Asia.
Ang mga pagkilalang ito ay nakadagdag sa patuloy na humahabang listahan ng mga internasyonal na parangal na natatanggap ng GMA Public Affairs.
Inanunsyo ang mga nagwagi sa ika-pitong ContentAsia Awards sa pamamagitan ng isang live awarding ceremony na ginanap noong Agosto 27 sa Bangkok, Thailand. Ngayong taon, kinilala ng awards ang mahigit 180 programa mula sa iba’t ibang panig ng Asya, na kumakatawan sa mga television broadcaster, production company, streamer at online platform.
- Latest























