^

PSN Showbiz

CMM, nangungunang pelikula sa Netflix Philippines

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
CMM, nangungunang pelikula sa Netflix Philippines
Vice Ganda and Nadine Lustre
STAR/ File

Doble panalo naman ang Call Me Mother.

Ang pinarangalang Silver Best Feature Film Made in Asia sa ContentAsia Awards 2026 ay ang nangungunang pelikula naman ngayon sa Netflix Philippines.

Patuloy na umaantig sa puso ng mga manonood ang pelikula na idinerehe ni Jun Robles Lana dahil sa relatable at hitik sa emosyon na kwento nito sa mga sakripisyo at walang hanggang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

Nauna na rin itong nag-uwi ng apat na parangal sa 51st Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal, kabilang ang Best Actor para kay Vice Ganda, Best Child Performer para kay Lucas Andalio, 3rd Best Picture, at Gender Sensitivity Award.

Nagtala naman ito ng P392 million na kita sa takilya sa loob at labas ng Pilipinas, at nagsilbi rin itong opening film para sa Philippines-Japan Film Festival 2026.

Ang Call Me Mother ay mula sa produksyon ng Star Cinema, The IdeaFirst Company at Viva Films.

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with