^

PSN Showbiz

Matet, nag-sorry matapos talakan ang bus driver

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Matet, nag-sorry matapos talakan ang bus driver
Matet de Leon
STAR/ File

Sa social media nag-sorry si Matet de Leon sa commuters at motorista na naabala sa traffic dahil sa aksidente nila sa EDSA noong Huwebes.

Ibinahagi nga niya sa kanyang Facebook page ang nasabing insidente kung saan ay nasagi raw ng isang bus ang likod ng kanilang sasakyan.

Umpisa ng post niya: “Gusto kong humingi ng pasensiya sa mga taong naabala nang panandalian kanina sa may edsa. Nasagi (?) kami ng bus kanina habang naka hinto sa kanto, sa likod ng jeep.”

Napikon daw siya sa driver ng bus, pero pinalampas na lang niya para hindi na makaabala sa traffic. “Nakakapikon. Pero para maiwasan ang abala sa mga taong pagod na at pauwi na galing trabaho, pinalipas na namin ito.”

At nagalit aniya siya sa driver na para sa kanya ay normal na reaksyon ng may-ari ng sasakyan. “Hindi ako naging mabait sa driver kanina. Pero ang importante, yung mga taong sakay niya at mga mata traffic sa likod eh makauwi na agad. Nagalit ako kuya ng malala. Pero normal lang naman sigurong reaksyon yun lalo na’t kasama namin sa sasakyan ang anak ko. Salamat po,” sey ni Matet.

At ang paalala niya sa driver, mag-ingat naman daw sana. “Sa’yo naman kuya driver, kung nababasa mo to, ingat na lang sa susunod. Baka next time, maka disgrasya ka na talaga.” (SVA)

MATET DE LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with