^

Pang Movies

Heart, may talak sa mga nale-late!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart, may talak sa mga nale-late!
Heart

Ang daming nag-agree sa post ni Heart Evangelista patungkol sa mga nale-late at nagkuwento pa ng experience nila habang naghihintay ng mga kausap na late dumarating.

“Ako, late is late. Walang excuse. You wanna work? Be there on time. Sinuswelduhan ka, respect other people’s time. If you think, obviously we’re born traffic now, wake up early. Maaga ka gumising, aagahan mo... But if you’re gonna give me a lousy excuse that na traffic, ganyan. Wag na tayo magtrabaho.”

Tama raw si Heart sa sinabing ito dahil nakasanayan nang idahilan ang trapik sa pagiging late. Comment ng isang netizen, “Love that principle,” sinundan ng “Tama ka yan Miss Heart. Ang pagiging maaga at pagrespeto sa oras ng iba ay tanda ng propesyonalismo at tunay na pagpapahalaga sa trabaho. Saludo ako sa paninindigan mo.”

And speaking of Heart, nag-share ito ng lesson in life sa August cover ng Harper’s BAZAAR Singapore. Maraming matututunan ang mga makakarinig nito and one na nag-stick out ay ang sinabi na “If you say thank you, look at the eyes of the person you say thank you with.”

Joaquin at Lella, bibida na!

May aabangan nang pelikula ang fans nina Joaquin Arce at Lella Ford dahil dalawa sila sa mga bida ng romcom movie na First Sem.

Makakasama nila sina Kyle Echarri at Kai Montinola, sa direksyon ni Rod Marmol.

Mula nang lumabas sa Bahay ni Kuya at matapos ang Pinoy Big Brother, inabangan na ng fans nila Lella na magkaroon sila ng project na sila talaga ang mga bida at hindi supporting, saka project na mahaba at hindi lang sila basta guest. Dumating na ang panahon na ‘yun, kaya naman tuwang-tuwa ang fans.

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with