GOCCs na walang silbi, pinatatanggalan ng pondo
MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na tuluyan nang tanggalan ng pondo ang mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na patuloy na nagiging “nonperforming” upang matigil na ang pag-aaksaya sa pera ng bayan.
Ayon kay Lacson,kung hindi nagagampanan ng mga state-run firms ang kanilang mandato ay mas mabuting huwag na silang bigyan ng subsidiya.
Sinabi ni Finance Secretary Frederick Go na pinag-aaralan ng Governance Commission for GOCCs ang pagsasara, pag-phase out o pagsanib sa ibang GOCC ng 21 GOCCs, bagama’t “very slow, long and tedious” ang proseso.
Dagdag naman ni Budget Secretary Kim Robert de Leon, pinag-aaralan din nila ang pagbibigay ng separation incentives sa mga personnel na maaaring maapektuhan.
“I understand the complexities, kasi may ma-displace na staff, mga personnel manning those GOCCs. Ano plano in case we abolish them? Ano ang contingency plans? They are government employees. Maybe that’s one of the reasons why you are finding difficulty in abolishing ibang GOCCs, for humanitarian,” ani Lacson.
Pero idinagdag din ni Lacson na mas dapat tingnan ang napakahigpit na “fiscal space” ng gobyerno.
- Latest















