^

Probinsiya

2 ‘bullying’ sa iskul sa Baguio, viral

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY , Philippines — Dalawang magkahiwalay na kaso ng umano’y bullying sa mga pampublikong paaralan dito ang iniimbestigahan ng pulisya matapos kumalat sa social media ang mga video ng insidente.

Unang iniimbestigahan ang insidenteng kinasangkutan ng mga Grade 9 at 10 student, edad 16 hanggang 17, dakong alas-3 ng hapon noong Miyerkules sa Kalkalan, Barangay Pinsao Proper. Natukoy na ang mga sangkot, at nakikipag-ugnayan na ang Women and Children’s Protection Desk sa paaralan at social worker.

Sa isa pang insidente noong Huwebes sa Baguio City National High School, isang 17-anyos na Grade 7 student ang nagtamo ng strain sa kaliwang balikat matapos umanong makasagutan o makasagupa ang tatlong 14-anyos na Grade 9 student. Agad namang isinagawa ang dayalogo sa pagitan ng mga estudyante, kanilang mga magulang o guardian, paaralan, at pulisya.

Dulot nito, nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers-Cordillera Union (ACT-CAR) nang mas matibay na hakbang laban sa bullying, iginiit na hindi dapat ituring na simpleng magkakahiwalay na insidente ang mga ganitong kaso.

ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with