^

PM Sports

Eala bigo kay Jovic sa exhibition match

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Yumuko si Alex Eala kay Iva Jovic sa iskor na 3-6 sa kanilang exhibition match na Stars of the Open na ginanap sa Arthur Ashe Stadium kahapon.

Sa kalagitnaan ng laro, nag-usap sina Eala at Jovic para sa isang sorpresa.

Dinala ng dalawa ang kani-kanyang daddy sa court para sa isang doubles game dahilan upang mas lalong maghiyawan ang mga fans.

Dalawang beses nag-serve ang tatay ni Jovic — isang fault serve at isang good serve na hindi nakuha ng tatay ni Eala.

Nagkaroon pa ng maiksing rally ang mag-aama na natapos sa isang net fault shot ng ama ni Eala.

“I think the way I approach these things is to really focus on myself, and it’s a good exercise to switch back and forth between fun and really locked in,” ani Eala.

Para kay Eala, magandang pagkakataon ang ganitong exhibition lalo na kapag kasama ang isang mahusay na player na gaya ni Jovic para sa pagha­handa nito sa US Open.

“In matches, normally I’m go, go, go, so it’s nice to let loose and have a little fun,” ani Eala.

Masayang natapos ang exhibition nina Eala at Jovic.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with