Ex ni John Lloyd, gusto na lang maging happy

Kabilang sa nakapanood sa paglaro ulit sa US Open ng legendary tennis player na si Roger Federer ay ang ex ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos.
Ayon sa kanyang post: “Just want to be happy, play tennis, love dogs and be a good person.
“And do art
“Tickets went on sale on 11 June - saw it as a sign. Kahit ilang beses, I dont know you personally, but @rogerfederer thank you for being an inspiration to millions of us,” buong caption ni Isabel kalakip ang videos and photos niya sa New York.
Prior to this ay binati niya ng Happy birthday si Federer habang nagti-tennis na ang caption ay “Cosplaying as a pro tennis player // also happy birthday to @rogerfederer.”
Walang confirmation na nanggagaling sa kanila, pero almost two months na nang mapansin na hindi na pina-follow ni Isabel sa social media ang inactive actor.
Sinabi na rin ng ilang malalapit sa kanila na hindi raw nagkabalikan ang dalawa.
Bago ang sinasabing breakup nila ay naka-bonding nila ng aktor ang ex nitong si Ellen Adarna.
Flash flood sa China at Nepal, napagkamalang AI
Parang AI o artificial intelligence sa unang tingin ang flash flood sa Nepal. As of this writing, ayon sa live report ng CNN, mahigit 1,300 katao ang nawawala – kabilang ang hindi bababa sa 300 na foreigner – matapos ang mapaminsalang biglaang pagbaha na tumama sa China at Nepal last Wednesday.
Ayon pa sa report ng CNN, mahigit 160 katao na ang kumpirmadong patay, at patuloy ang mga rescue operation.
Bukod sa AI, para ring mga eksena sa pelikula na rumaragasa ang tubig habang humahampas sa mga kabundukan kung saan lumubog ang mga lugar na maraming kabahayan at nawasak ang mga kalsada at tulay.
Sa kasalukuyan daw ay inaalam at pinag-aaralan ng mga scientist ang eksaktong mga sanhi ng nakamamatay na biglaang pagbaha na nagdala ng putik at tubig na humahampas sa mga ilog sa border ng China at Nepal.
- Latest


























