Matteo may pasilip o prank? Sarah, buntis na talaga?!

Napasigaw na ang fans ni Sarah Geronimo nang mag-upload si Matteo Guidicelli ng screen habang isinasagawa ang ultrasound.
Akala nila baby na ‘yun, preggy na finally si Sarah.
Pero may pahabol dahil biglang next scene ay si Matteo ang nakahiga sa hospital bed at siya ang inu-ultrasound supposedly.
At ang duda ng followers ng actor/host, nang-eeklay si Matteo. Hula nila, preggy talaga si Sarah at binitin lang nito ang fans ng kanyang misis.
Unless prank lang ‘yun dahil kamakailan ay may nakapansin na may baby bump na si Sarah.
Ang caption lang ni Matteo ay “This SATURDAY on #MatteoGPrimetime!” Ang tinutukoy niya ay ang kanyang YouTube channel.
Bukod sa wish na totoong buntis na si Sarah sa first baby nila, wish din ng kanilang followers na maging close na rin si Matteo sa mga magulang ni Sarah na si Mommy Divine at Daddy Delfin na nakitang kasama ni Sarah sa kanyang last birthday pero wala si Matteo.
Sabik ang Popsters (fans ni Sarah) sa mga ganap sa kanyang buhay may-asawa na malimit, si Matteo ang nagbibigay ng update.
- Latest






















