^

Police Metro

10K bagong school counselor associates target ng DepEd

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng Department of Education (DepEd) na makapag-deploy ng nasa 10,000 bagong school coun­selor associates hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, pinapabilis nila ang recruitment at deployment ng 10,000 SCA sa buong bansa para masuportahan ang mental health ng mga mag-aaral, kasunod na rin ng mga insidente ng karahasan sa loob ng paaralan.

Nabatid na matapos ang opisyal na pag-apruba mula sa Civil Service Commission (CSC) noong Hunyo 30, 2026, at pag­likha ng 10,000 plantilla items para sa SCA I ng Department of Budget and Management (DBM) noong Hulyo 15, 2026, pinaikli ng DepEd ang kanilang standard hiring process sa 36 araw na lamang.

Anang DepEd, sa ilalim ng kanilang digital hiring portal, na Agile Gateway for Appointments and Place­ments (AGAP), hanggang Agosto 27, 2026, nasa 9,702 items na ang kanilang nai-post.

Sa naturang bilang, 785 posisyon na ang kasalukuyang bukas para sa aplikasyon; 8,811 naman ang under assessment, at 106 ang para sa appointment. 

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with