Pacquiao, nag-ayuda ng P61k sa driver!

Ang bongga ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na nagbigay ng malaking tip sa isang TNVS (Transport Network Vehicle Service) driver and take note, hindi lang in pesos kundi US dollars.
Sa YouTube vlog ng dating senador na Team Pacquiao ay sinabi niyang pupunta siya sa kanyang Manny Pay office in Makati at hindi na siya magdadala ng sasakyan kundi sasakay na lang siya sa TARA, isang ride-hailing application.
Aniya, “kung sino ‘yung driver na masakyan ko ngayon ay blessed siya ng Panginoon because ang ibabayad ko sa kanya ay hindi piso kundi dollars,” sabay-pakita ng mga dolyares na kanyang hawak.
Mapapanood din sa video rin ang pagsakay niya sa TVNS at ang halaga lang ng taxi fare niya ay P110.
Nang magbabayad na siya ay tumataginting na $1,000 or equivalent to P61,000 ang kanyang ibinayad sa driver.
Halos maiyak sa tuwa ang tsuper sa swerteng dumating sa kanya. “Ninenerbyos po ako until now. It’s a mixed emotions po. Gusto ko pong maiyak na tuwang-tuwa po ako. Salamat po, sir,” saad ng driver.
Sa comment section ay puring-puri ng netizens ang boxing champ sa pagkakaroon ng mabuting kalooban, pagiging generous at sobrang matulungin kaya raw ito lalong pinagpapala.
Lea, pangabog ang outfit sa Walk of Fame!
Sobrang excited ni Lea Salonga na tanggapin ang kanyang star sa Hollywood Walk of Fame na gaganapin ngayong Sept. 4, 2026 sa Hollywood Boulevard in Los Angeles, California.
In fact, talagang pinaghahandaan niya ang kanyang pagdalo at nagpagawa na siya ng kanyang gowns.
Sa “Ask Miss Lea” session ng Broadway Icon sa Threads ay tinanong siya ng isang fan ng “are you excited to receive your Hollywood Walk of Fame star?”
Sagot ni Lea, “Oh my goodness, super excited! I had my final fittings today for my outfits!”
Sey pa niya, kasama niyang dadalo sa event ang kanyang pamilya at kaibigan maliban sa kanyang anak na si Nic Chien dahil may pasok ito sa school.
“Friends and family (not Nic, he’s got school) will be in attendance which will also make it special!” saad ng award-winning singer/stage actress.
Lea is set to make history as the first Filipina artist to earn a star at the Hollywood Walk of Fame. She will receive her star in the category of Live Performance and will be the 2,855th star on the iconic Hollywood Boulevard landmark.
- Latest





















