Bea-yond, na-sold-out agad sa Sept. 11, 2026 na ang Bea-yond

The Years, ang fan meet ni Bea Binene, but as of yesterday, sold-out na ang on site tickets. Nag-crash pa nga raw ang ticket site sa rami ng bumili ng ticket at kahit nagkaroon ng technical problem, nag-sold-out pa rin ang tiket.
Mukhang maliit ang Teatrino sa Promenade, Greenhills sa event ni Bea, may panahon pa para ilipat sa bigger venue. Kaya lang, marami na ang nakabili ng tiket. Ang unang nag-sold-out ay ang VIP, Silver at Bronze na hindi mura ang tiket paano na ang walk-in fans?
Pinatunayan ng fans ni Bea na wala itong dapat ikatakot dahil sinuportahan siya. Nang una raw sabihin sa kanya ang nasabing fan meet, ang reaction ng aktres, “Baka lima lang tayo dun,” kaya ang payo ng fans sa kanya, “Don’t ever doubt yourself again.”
As of yesterday, may P519,300 na raw ang ticket sales at madadagdagan pa ito bago ang date ng fan meet. Nakadagdag ang mabilis na pagkaubos ng tiket na nag-ticket selling si Bea.
“First time kong mag-ticket selling like mamaya. Ano ba ginagawa din bukod sa mag-sell ng tickets?” tanong nito.
Itinuro ng fans ang kanyang mga gagawin at naging resulta, sobrang successful ang pagbebenta niya ng tiket.
Uulitin namin ang minsan na naming nasulat dito sa Pang Masa na kabilang sina Bea at Wilbert Ross sa maraming fans sa artists ng Viva today. Laging tinatao ang kanilang mga event, at malakas na sigawan at palakpakan ang ibinibigay sa kanila tuwing ipinakikilala.
Handa ring gumastos ang fans para sa dalawa at sa nakaraang basketball game ng Viva, ang WilBea fans lang ang may musikero. Sa mediacon nila, laging may gimik ang fans na lalong nagpapasaya sa event.
Of course, handa silang suportahan ang bawat projects ng WilBea gaya ng Viva One series na Love U Lots at ang upcoming movie nila na Pee Mak ng Viva Films.
- Latest























