^

Pang Movies

Singer na biritera, gustong maging magician ang make-up artist

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

WALA pa rin daw pagbabago ang isang female singer pagdating sa ugali kahit ilang taon na siya sa showbiz! May hits naman siya at talaga namang marami ang hanga sa boses niya.

Lagi na lang inirereklamo ng singer ang mga taong nakakatrabaho niya sa production. Maarte na sa gustong kantahin at pati make-up artist na bahagi ng production, sa isusuot na damit, at inirereklamo niya ang make-up artist dahil pangit daw ang makeup sa kanya!

Eh hindi naman kagandahan to die for ang mukha ni female singer kaya nabubuwisit ang make-up artist na gusto siyang gawing magician ng singer!

Naku, hindi na lang magpasalamat si singer dahil nabiyayaan siya ng magandang boses na wala ang iba!

Lea, ‘di na kailangan ng national artist!

NAUNA pang bigyan ng Walk of Fame sa Hollywood si Lea Salonga, huh!

Pero mailap pa rin hanggang ngayon na kilalanin si Lea bilang National Artist ng Pilipinas, huh!

Hindi kaila ang international achievements niya as Broadway star! Dahil sa kanya, nakilala rin ang magagaling nating singers sa international stage!

So ano ang problema at hindi naibibigay sa kanya ang recognition na ito? Kulang pa ba ang achievements niya?

Sabagay, parang hindi naman kailangan ni Lea ang pagkilalang ‘yan!

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with