^

Probinsiya

Mag-asawang senior, 4-anyos apo minasaker!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang senior, 4-anyos apo minasaker!
Map of Cavite showing the location of Indang
Wikipedia / Mike Gonzalez

CAVITE, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng mag-asawang senior citizen at kanilang 4-taong gulang na apo matapos na matadtad ng bala nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang munting tahanan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Daine 1, bayan ng Indang, dito sa lalawigan.

Kinilala lang ang mga biktima sa mga alyas na “Franco,” 63; misis niyang “Juanita,” 62, at isang 4-anyos na bata pawang residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng Indang Police, dakong alas-10:50 ng gabi nang makarinig ng sunud- sunod na putok ng baril ang ilang residente mula sa direksiyon ng tirahan ng mga biktima. Agad silang humingi ng tulong sa mga opisyal ng kanilang barangay at itinawag sa pulisya.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadatnan nila sa loob ng maliit na bahay na gawa sa kahoy ang tatlong biktima na nakabulagta at duguan. Agad silang dinala sa pagamutan, pero kalaunan ay idineklarang mga patay habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente ng masaker gayundin sa posibleng motibo ng krimen.

Kaugnay nito, agad na naglaan ng P100,000 na pabuya si Indang Mayor Vergel Fidel sa sinumang makapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga suspek sa pagmasaker sa lolo at lola, at kanilang apo.

Hiniling din ng lokal na pamahalaan at pulisya sa mga residente na makipagtulungan at agad ipagbigay-alam ang anumang impormasyon sa awtoridad na maaaring makatulong sa pagtukoy sa mga suspek.

INDANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with