Magsasaka pinabulagta ng katoma
TABUK CITY, Kailinga, Philippines — Nasawi ang isang magsasaka matapos pagbabarilin umano ng kanyang kainuman sa Barangay Bagumbayan, Tabuk City kamakalawa ng madaling araw.
Batay sa inisyal na report ng pulisya, nakipag-inuman ang 31-anyos na biktima sa 30-anyos na suspek, kapwa residente ng nasabing lugar, nang magkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa dakong alas-3:20 ng madaling araw.
Sa kalagitnaan ng pagtatalo, bumunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan umano ng suspek ang biktima gamit ang isang hindi pa nakukumpirmang kalibre ng baril.
Naabutan ng mga operatiba Tabuk City Police ang biktima na wala nang buhay at may tama ng bala sa ulo at kanang braso.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga tauhan ng Kalinga Scene of the Crime Operatives (SOCO), narekober sila ng ilang basyo ng bala mula sa kalibre 5.56mm sa pinangyarihan ng krimen.
- Latest



















