^

Pang Movies

Mga alahas na ginagawa ni Heart, ubusan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mga alahas na ginagawa ni Heart, ubusan!
Heart at John

Chill muna si Heart Evangelista kasunod ng kanyang mga pagdalo sa Paris at Milan Fashion Weeks na laging trending at hot topic.

Ngayon nga ay pinatutunayan niya na ang kanyang impluwensya sa fashion ay higit pa sa pagsusuot ng mamahaling runway clothes.

Sa kasalukuyan, Heart is so into her jeweler era, at ang kanyang mga likha ay nagpapakita ng kanyang artistic visions at nagiging conversational piece at pinag-aagawan.

Ayon sa ilang malalapit kay Heart, ang mga alahas na gawa ng artist-entrepreneur ay personal na gamit noong una. Pero ang mga ito ay unti-unting napansin ng kanyang followers at fans, kaya ngayon ay in-demand na dahil marami ang nag-o-order.

Nagsimula ang lahat nang mag-decide si Heart na bigyan ng bagong buhay ang kanyang mga nakatagong accessories sa halip na hayaan lang ang mga ito na alikabukin.

Bigla, ang mga necklace at bracelet niya na hindi na uso ay naging mga statement jewelry.

Ngayon, pinagpupuyatan ni Heart ang bawat piraso ng mga ginagawa niyang hikaw, kwintas at bracelet na tampok ang iba’t ibang gemstones na mismong siya ang pumili.                                    

Bali-balita na laging sold-out sa “Heart Je­wels” ang mga obra-maestrang alahas ng global fashion icon.

“A lot of LOVE and passion in what I do,” sabi niya kamakailan sa isang social media post kung saan ipinapakita ang alahas na ginawa niya.

Maraming followers ang nagkomento ng papuri sa pagiging creative niya – maging ito man ay sa kanyang magagandang painting, mga alahas, o style sa pananamit.

Dagdag pa nila, si Heart daw mismo ay isa nang obra maestra.

“I love mixing stones that complement rather than compete. Opals let turquoise shine in the most beautiful way,” sabi ulit niya sa isa pang social media post.

Matatandaan na isa si Heart sa mga nagpauso ng turquoise gemstone.

Ayon sa gemastro. com, turquoise gemstone “is one of the oldest known healing stones in human history. Known for its striking sky-blue to bluish-green color and metaphysical properties, it has adorned pharaohs, warriors, kings, and spiritual leaders for thousands of years. Whether you’re seeking emotional stability, good fortune, or spiritual protection, Turquoise is believed to be a powerful ally.”

Nauna na niyang ibinahagi na bet na bet niya sa kasalukuyan ang gemstone na kumakatawan sa “healing and protection.”

Bukod sa paggawa ng alahas, may movie rin sina Heart at John Prats bilang tuloy ang nostalgia vibes sa entertainment industry. Kahapon ay may pasilip na siya sa kanilang pictorial ng ka-loveteam noon.

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with