Sophia, everyday nasa Disneyland

MANILA, Philippines — “At present, Sophia is on hiatus. She goes to Disneyland everyday; she’s baking, she’s painting. She’s literally doing everything to get mentally well,” say ng singer/stage actress na si Carla Guevara-Laforteza, mommy ni KATSEYE member Sophia Laforteza, sa ABS-CBN.
Ginagawa raw talaga nito ang lahat para gumaling agad at bumalik sa grupo.
Matatandaang inanunsyo ng HYBE x Geffen (HxG) noong Aug. 7 na hindi na muna makakasama si Sophia sa promotional activities ng KATSEYE upang tutukan ang kanyang mental health at well-being.
Pagkatapos ng nasabing announcement ay may nag-post namang netizen ng larawan ni Sophia kasama si Leon Barretto sa Disneyland kaya iniisip ng ilang netizens na nakikipag-date si Sophia habang naka-hiatus.
Pero sa totoo lang, malabo raw magkaroon ng relasyon sina Sophia at Leon.
- Latest






















