^

Police Metro

Rider, angkas utas sa salpok ng FX

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang rider kanyang angkas nang bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang FX sa pakurbadang bahagi ng Marilaque Highway, Barangay Pinugay, Baras, Rizal noong Linggo ng madaling araw.

Hindi tinukoy ang pangalan ng dalawang nasawi na kapwa 19-anyos.

Unang binawian ng buhay ang 19-anyos na rider habang ang angkas na kaedad niya ay bumigay rin makalipas ang ilang oras habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Sa ulat ni Police Major Amadeo Baby Estrella, hepe ng Baras Municipal Station na alas-12:45 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na lumihis umano sa palikong bahagi ng kalsada ang motorsiklo at bumangga sa isang Toyota Tamaraw FX na patungo sa Tanay na nasa opposite lane.

Hindi na natuloy ang pagsasampa ng mga reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property, matapos magkaroon ng kasunduan ang mga partido na magbibigay ng tulong pinansyal.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with