^

Metro

QCPD pinalakas Oplan Ligtas Eskwela

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na pinaiigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang seguridad ng mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan sa Quezon City sa pamamagitan ng Oplan Ligtas Eskwela sa pangunguna ni District Director PBGen. Randy Glenn Silvio.

Mula Agosto 15 hanggang 21, 2026, nagsagawa ang 29 na tauhan ng QCPD ng 66 aktibidad kabilang ang flag-raising ceremony, seminar, lecture, at dayalogo kasama ang mga estudyante, guro, at magulang. Umabot sa 1,120 mag-aaral ang nakinabang sa programa habang namahagi rin ng 400 flyers para sa pagpapalaganap ng kaalaman sa kaligtasan at pag-iwas sa krimen.

Ayon kay PBGen. Silvio, layunin ng Oplan Ligtas Eskwela na makabuo ng ligtas at maayos na learning environment sa pamamagitan ng patu­loy na pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga paaralan at komunidad.

Binigyang-diin ng QCPD na mananatiling aktibo ang kanilang mga programa upang mapalakas ang ugnayan­ ng kapulisan, mga paaralan, at iba pang stakeholder sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa mga kampus sa Quezon City.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with