^

PM Sports

Eala may bagong career-high ranking

Chris Co - Pang-masa
Eala may bagong career-high ranking
Alex Eala

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang pag-angat ni Alex Eala sa world rankings.

Gumawa na naman ng kasaysayan si Eala bilang Southeast Asian player na may pinakamataas na world ranking sa history ng WTA at ATP.

Umakyat si Eala sa panibagong career-high No. 18 sa inilabas na listahan ng WTA kahapon.

Mas maganda ito ng dalawang puntos mula sa kanyang dating puwesto na No. 20.

Sa kabuuan, may 2,281 puntos na si Eala.

Malaking tulong ang kampeonato nito sa Mubadala DC Open at sa pagtungtong nito sa third round ng Cincinnati Open noong nakaraang linggo.

Nalampasan ni Eala ang dating pinakamataas na puwestong nakamit nina Yayuk Basuki ng Indonesia at Tamarine Tanasugarn ng Thailand.

Parehong may No. 19 puwesto sina Basuki at Tanasugarn.

Nakamit ni Basuki ang No. 19 spot noong 1997 habang nakuha naman ni Tanasugarn ang parehong puwesto noong 2002.

Inaasahang mas aangat pa si Eala sa oras na magkaroon ito ng magandang resulta sa US Open na nakatakdang magsimula ngayong linggo.

Uumpisahan ni Eala ang kampanya nito sa mixed doubles kasama si world No. 4 Felix Auger-Aliassime ng Canada.

Makakaharap nina Eala at Auger-Aliassime sina Gael Monfils at Elina Svitolina sa opening round ngayong araw sa Louis Armstrong Stadium sa New York.

Nabigyan sina Eala at Auger-Aliassime ng wild card entry sa mixed doubles.

Kung mananalo sina Eala at Auger-Aliassime, makakalaban nila sa susu­nod na round ang mana­nalo sa tambalan nina Aryna Sabalenka at Novak Djokovic, at nina Leylah Fernandez at Frances Tiafoe.

Sa singles, siguradong seeded na si Eala sa main draw. Posibleng hawakan nito ang No. 17 seed sa US Open.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with