Aktres, kabilang na sa blacklisted circle ng isang designer
Naku naman, may mga celeb pa rin palang kapag nanghiram ng mga damit eh ni hindi man lang ito isoli nang hindi pinapa-dry clean man lang!
May mga designer na kapag kilalang artista o celebrity ang humihiram ng gawa nilang damit o gown, ang bilin eh maging maingat at malinis pagbalik para mawala ang amoy!
May isang celeb naman ang nanghiram ng damit para sa pormal na event na dinaluhan. Pinahiram naman ng designer with condition na malinis ito pagbalik.
Ang ginawa ng celeb, after use, ipinabalik sa assistant nang walang linis o dry clean.
Nang malaman ng designer na ibinalik na ang hiniram, inamoy pero amoy pabango pa rin ng celeb! Imbyerna si designer sa celeb at inilista na siya sa backlisted celebs na hindi na puwedeng manghiram ng kanyang gawang damit kahit kailan.
Isabel, todo bonding kay Heart
Takang-taka ang mga tao na dumalo sa isang brand event sports ang tema nang makitang magkasama ang ex ni John Prats na si Heart Evangelista at misis nitong si Isabel Oli.
Si Heart ang endorser nito at hinaluan ng sports na pickle ball at isa sa dumalo si Isabel.
Ibinahagi ni Isabel ang picture nila ni Heart na magkasama. Bahagi ng caption niya ay, “Such a fun day of play, bonding and a little skin care in between.
“Congratulations @iamhearte”
O huwag gawan ng intriga ang madalas na pagsasama nina Heart at John sa mga video lalo na’t magsasama pa sila sa isang project, huh!
- Latest

















