Elijah, bumisita kay Duterte?!

Ang daming naaliw sa post ni Elijah Canlas sa kanyang social media account.
Ibinahagi ng aktor last Sunday night sa X ang pagbisita niya sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Makikita nga rito na nagpa-picture pa siya sa harap ng ICC headquarters.
Ang maikli ngunit maangas na caption niya, “bagong tourist spot sa Netherlands.”
Hindi lang ang ICC ang ipinakita ni Elijah sa kanyang post. May kasama rin itong larawan ng portable toilet na ginagamit umano ng mga Pilipinong nagtutungo sa lugar na tinatawag na “Duterte Street,” kung saan may mga supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagtitipon.
Dahil dito, mabilis na umani ng atensyon ang post ni Elijah at iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.
May mga natawa sa kanyang banat habang may ilan namang nagkomento tungkol sa political undertone ng kanyang post.
Lotlot, panalo sa basketball
Proud na proud si Lotlot de Leon sa anak na si Diego Gutierrez na hinirang na Junior Basketball MVP sa katatapos lang na Star Magic All-Star Games 2026 held at SM Mall of Asia Arena in Pasay City last Sunday.
Nanalo ang team ng aktor na Shooting Stars Blue against Shooting Stars Red at itinanghal siyang Most Valuable Player o MVP with a high score of 30 points.
Nanoood mismo si Balot ng laro ni Diego kasama ang asawang si Fadi El Soury para suportahan ang anak. Makikita sa mga Instagram posts ng aktres ang pag-cheer niya sa anak habang naglalaro at ang mga pagsigaw niya sa tuwing makaka-score ito.
Ibinahagi rin niya ang video ng pagtanggap ng MVP award ni Diego at super-happy siya para sa anak.
Samantala, sa SEAbling Showdown ay tinalo naman ng team ni Gerald Anderson ang GMMTV All Stars ng Thailand sa score na 68-43 at hinirang na MVP ang aktor.
Sa volleyball division naman ay si Lella Ford ang nagningning with her Most Valuable Player and Best Spiker awards. Nakamit naman ni Gillian Vicencio ang Best Receiver award habang si Bella Sapienza ang nag-uw ng Best Setter award.
- Latest




















