^

Metro

Niño Muhlach inararo karinderya, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Niño Muhlach inararo karinderya, 1 sugatan
Niño Muhlach

Nakaidlip sa minamanehong SUV

MANILA, Philippines — Nasugatan ang isang rider matapos araruhin ng SUV na minamaneho ng aktor na si Niño Muhlach ang isang karinderya, barber shop, at iba pang establisyimento sa Marcos Highway, Barangay Mambugan, Antipolo City nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Muhlach sa kanyang sasakyan matapos makaidlip habang nagmamaneho, dahilan upang lumihis ito ng ­linya, sumalpok sa gutter, at tuluyang bumangga sa mga ­establisyimento sa gilid ng kalsada.

Nasugatan ang rider na kumakain sa karinderya at dinala sa ospital dahil sa pananakit ng tagiliran, likod, at hita.

Pumailalim naman sa SUV ang motorsiklo ng rider, habang nasira ang barber shop at sari-sari store na tinamaan ng sasakyan. Ayon sa ulat, sinagot umano ni Muhlach ang gastusin sa pagpapagamot ng rider at nakipag-ayos sa mga may-ari ng mga nasirang ­establisyimento para sa pagkukumpuni.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with