^

PSN Showbiz

Elijah Canlas, bumisita sa ICC!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Elijah Canlas, bumisita sa ICC!
Elijah Canlas

Iba’t iba ang reaction sa ibinida ng actor na si Elijah Canlas na photo opportunity sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Andun nga siya ICC kung saan iniimbestigahan si ex President Duterte.

At ipinost niya sa X account niya noong gabi ng Linggo, Agosto 23, ang kanyang pictorial doon.

Bukod sa photo op sa harapan ng ICC, ipinakita rin niya ang portalet na ginagamit daw ng mga pumupunta aniya sa Duterte Street.

“Bagong tourist spot sa netherlands,” caption ng actor sa dalawang photos.

Pero wala naman siyang sinabi kung ba’t andun siya.

Nakadetine pa rin sa Netherlands ang dating Pangulong Duterte na nahaharap sa mga kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga namatay sa kampanya laban sa ilegal na droga noong kanyang administrasyon.

Ayon sa mga report, nakatakdang magsimula ang kanyang paglilitis sa November 30, 2026, matapos pagtibayin ng mga hukom ang lahat ng mga kaso niya noong Abril 2026. Habang sa Pilipinas ay tuloy ang impeachment trial kay Vice President Sarah Duterte.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with