Action films, hindi na nakabawi!

Kahit matagal nang wala sa pangangalaga ng Sparkle GMA Artist Center ang actress na si Ryza Cenon matapos itong lumipat sa bakuran ng Viva, balik-Kapuso si Ryza sa paggawa ng kanyang pinakabagong serye, ang action-drama series na Anak ng Tondo na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Ayon kay Dennis, todo umano ang kanilang paghahanda sa mga action scenes dahil as much as possible ay hindi umano sila gagamit ng double para mas maging authentic ang dating.
Si Ruru ay nalilinya na ngayon sa paggawa ng mga action series matapos niya itong simulan sa Black Rider at Lolong sa bakuran ng GMA.
In fairness to Coco Martin, siya ang nagpasimula at nagpauso ng mga action-drama series sa telebisyon habang ang mga Philippine action films naman ay bumagsak as early as 1997 na hindi pa nakakabawi hanggang ngayon.
Shirley, nagsalita sa pag-alis kay Bea!
Matindi ang dahilan ng pagre-resign ni Shirley Kuan as talent manager ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at tinapos ang kanilang mahigit anim na taong relasyon bilang talent at manager.
Priority sa ngayon ni Bea ang kanyang pagiging maybahay ng businessman na si Vincent Co and eventually, ang pagkakaroon nila ng baby.
Hindi raw naging totoo si Bea sa kanyang dating manager pagdating sa kanyang mga personal decisions kaya nauwi ito sa hindi inaasahang pagkalas ni Shirley sa (dating) alaga.
Bilang (dating) manager, siya ang madalas tinatanong ng mga tao na may kinalaman sa kay Bea at sa mister na niya ngayon na si Vincent at wala siyang kongkretong maisagot dahil wala naman daw talaga siyang alam at kung may alam naman siya ay ayaw niyang sabihin pero hindi na siya nakatiis.
Sa pagre-resign ni Shirley bilang talent manager ni Bea, ang husband mismo ng aktres ang nagdesisyon na si Chris Cahilig na muna ang magiging interim manager ng kanyang misis. Si Chris ay siyang pasimuno ng Cine Panalo ng Puregold na pag-aaring negosyo ni Vincent Co.
- Latest




















