^

Pang Movies

Piping ‘anak’ nI AiAi, nahanap ni Eugene!

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Piping ‘anak’ nI AiAi, nahanap ni Eugene!
Yuuki Kadooka
STAR / File

Thirty years old na pala ang isa sa mga naging anak ni AiAi delas Alas sa 2003 comedy film na Ang ­Tanging Ina na si Yuuki Kadooka. Si Yuuki ang gumanap bilang si Ten-Ten, ang deaf-mute na anak ni Ina Montecillo.

Sa kanyang Instagram page, pinost ng former child actor ang pagpasok niya sa panibagong chapter ng buhay niya. “30 years old na daw si Ten-Ten. Byebye 20s, but I am looking forward to the future. P.S. Birthday gift nyo na sa akin ang subscription nyo sa YouTube channel ko. Hindi lang ikaw ang shock na 30 years old na ako. Hay nako ang bilis ng panahon,” caption niya.

Kabilang ang co-star noon ni Yuuki na si Eugene Domingo ang natuwa nang makita siya sa social media. “YUUKIIIII!!! kumusta ka na?” sey ni Uge sa comment section.

Sagot ni Yuuki: “Ninang!!! You finally found me!!! Mabuti naman po ako nandito na sa Tokyo. Sana magka-reunion po tayo.”

Noong April ni-launch ni Yuuki ang kanyang YouTube channel kung saan dino-document niya ang buhay niya sa Japan. Dahil nga sa mga strea­ming platform, napapanood ng bagong henerasyon ang Tanging Ina film franchise kaya ikinatuwa ni Yuuki na marami pa ring nakakakilala sa kanya kahit na matagal na siyang namaalam sa showbiz. “To everyone who still remembered me, looked for me, followed me, and sent me messages over the years — thank you so much. Even though I’m no longer in showbiz, it really means a lot to me. I may not have been able to reply before, but please know that I truly appreciated all of it. So... dahil hinahanap n’yo pa rin ako, I decided to finally start a YouTube channel for vlogs!” sey niya na huling napanood sa Ang Tanging Ina: Last Na ‘To! in 2010.

Ang mga gumanap na kapatid niya sa Ang Tanging Ina ay sina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Jiro Manio at Serena Dalrymple.

Bianca, babalik sa eskwelahan

Muling ipagpapatuloy ni Bianca Umali ang kanyang pag-aaral. Ito ay ibinahagi niya sa isang episode ng i-Listen ni Kara David.

Sa naturang podcast, ikinuwento ng Kapuso actress na inuna niyang pag-aralin ang kanyang pinsang si Samantha kaysa sa sarili.

Ngayong tapos na sa pag-aaral si Samantha, sinabi ni Bianca na pagkakataon na rin niya para ituloy ang sariling edukasyon.

“I have two choices. Either I go to a design school for interior design, or I’m also looking into a big university. Pero hindi pa po ako decided sa kung ano talaga, but yes, I’m excited to study,” sey ng aktres.

Ipinaliwanag ni Bianca kung bakit niya pinag-aral ang kanyang pinsan. Para sa kanya, ito ay isang uri ng “pay it forward” bilang ganti ng pasasalamat sa kanyang Lola Vicky.

Kung sapat lang daw ang kanilang pinansyal, sabay sana silang nag-aral ng kanyang pinsan. Ngunit inamin niyang napakamahal na ng edukasyon sa ngayon. Naniniwala naman si Bianca na walang pinipiling edad ang pag-aaral at hindi kailanman mahuhuli ang sinuman para rito. Nagtapos naman si Bianca sa senior high school noong 2019.

Sa piling ng kanyang Lola Vicky siya lumaki matapos siyang maulila sa ina noong siya ay limang taong gulang, at sa ama naman pagkaraan ng limang taon.

Boses ni Bianca ang madidinig sa upcoming animated film na Ella Arcangel.

AIAI DELAS ALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with