Minowa malaking tulong sa Alas Women

MANILA, Philippines — Malaki ang maitutulong ni Japanese coach Taka Minowa sa kampanya ng Alas Pilipinas Women sa pagsabak sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Sinabi ni star spiker Bella Belen na marami na silang natutunan kay Minowa bilang bagong head coach ng Nationals kapalit ni Brazilian mentor Jorge Souza De Brito.
“Marami kaming natutunan from him. Kumbaga iyong unang week pa nga lang namin na nagiging coach siya, nakita na namin agad iyong improvement namin. Ako personally, nakita ko agad iyong ano iyong mga na-improve ko kahit paano under him and siyempre excited pa ako sa kung ano pa iyong puwede niyang maibigay sa team,” ani Belen sa asawa ni dating Alas Pilipinas middle blocker Jaja Santiago.
Bagama’t 15 araw lamang nag-ensayo sa ilalim ni Minowa ay nakuha pa rin ng mga Pinay hitters ang kauna-unahang silver medal sa nakaraang 2026 Southeast Asia (SEA) V Cup Women’s Volleyball Championship.
Ito ang unang silver ng Alas Women sa seven-year, 11-leg history ng regional tournament matapos makuntento sa anim na bronzes.
Kumpiyansa ang Alas Women sa kanilang pagsabak sa Aichi-Nagoya Asiad kung saan nila kasama sa Pool B ang nine-time Asian Games champion China at Kazakhstan.
“Parang medyo malapit kumbaga kahit na ibang level na iyong Japan team sa atin,” ani Belen. ‘Siyempre with the help ng ibang coaches, like si coach Taka, meron siyang experience na maka-handle ng Japanese team.”
Maliban kay Belen, inaasahan ding mapapasama sa final lineup sina team captain Jia De Guzman, Eya Laure, Bella Belen, Erika Santos, Alyssa Solomon, Vanie Gandler, Angel Canino, Fifi Sharma at Thea Gagate.
Hahataw ang volleyball competition sa Setyembre 16 hanggang 22.
- Latest



















