^

Police Metro

AdZU pinaigting ang mahigpit na seguridad

Mer Layson - Pang-masa
AdZU pinaigting ang mahigpit na seguridad
The Junior High School building of the Ateneo de Zamboanga University.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Pinaiigting na ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang kanilang seguridad sa mga estudyante at kawani kasunod nang insidente ng pamamaril ng Grade 9 student na si Mohammad Mael Jalandi, anak ng nasibak na Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City na ikinasawi ng Grade 10 na si Patrick Dylan Wee habang 2 pa ang nasugatan noong Agosto 18.

Sinabi ni AdZU University President, Rev. Ernald Andal, SJ, na inaprubahan ng Board of Trustees ng unibersidad ang karagdagang resources para sa mas mahigpit na security measures, pangmatagalang improvements, at comprehensive security audit sa lahat ng campus ng unibersidad.

Ayon kay Fr. Andal, simula Lunes ay ipatutupad ang mas masusing vehicle inspection, mas mahigpit na ID checking, monitoring sa mga entry at exit points, at kontrol sa pagpasok ng mga bisita.

Kabilang din sa mga pangmatagalang hakbang ang karagdagang CCTV cameras sa classrooms at hallways, real-time monitoring, dagdag na metal detectors at X-ray machines sa mga itinalagang pedestrian entrances, at pagpapahusay sa visitor reception areas.

Gayunman, binigyang-diin ni Fr. Andal na hindi lamang kagamitan at seguridad sa campus ang kailangan upang maprotektahan ang mga estudyante.

Makikipagpulong din ang pamunuan ng unibersidad sa mga magulang at guardians upang talakayin ang kanilang mga alalahanin at palakasin ang koordinasyon ng paaralan at pamilya.

Ayon kay Fr. Andal, layunin nilang magkaroon ng sistema ng nagtutulungan ang paaralan, kawani, pamilya, teknolohiya at mga otoridad upang mapanatiling ligtas ang buong komunidad.

Inianunsyo rin ni Andal na wala munang regular na academic classes sa Grade School at Junior High School mula Agosto 24-28, 2026.

Ang mga estudyante ay magpapartisipa sa non-academic activities sa pamamagitan ng alternative learing arrangements simula Setyembre 1-4.

ADZU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with